why oh why? why me?
Nang makauwi ay nag-uunahang bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Parang sasabog ang dibdib ko kaya kailangang mailabas ko ang lahat ng mga hinanakit sa pamamagitan ng pag-iyak. Ganito ako eh, sobrang iyakin. Hindi kasi ako kasing tapang ng iba dyan...
Kahit konti di ko man lang inasahan na ganito ang mangyayari. Namantsahan ang iniingatan kong pangalan dahil sa walang kakwenta-kwentang bagay. Mabuti man lang sana kung sa pagkamantsa ng pangalan ko ay kumita ako pero sorry na lang sa akin dahil minalas ako. Ako pa ang napagtripan niyang gawan ng ganito...
Kung bakit kasi super tanga ako... masyado ang nagtiwala sa isang tao na akala ko ay pwede kong pagsabihan ng lahat ng bagay tungkol sa akin.. Nang isang taong itinuring ko ng kaibigan na akala ko ay hindi ako ipapahamak at iyon ang malaking pagkakamali ko na pinagsisisihan ko ngayon... Kung bakit ko ibinigay ang sandaang porsyentong tiwala sa isang taong hindi naman pala karapat-dapat pagtiwalaan. Ang tawag sa taong yan ay trahidor! Kamag-anak yata ni hudas.
Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ako pa ang nabiktima nya samanatalang wala akong matandaang naagrabyado ko sya at natapakan man lang ang ego nya o nagawang masama sa sinumang taong nakakasalamuha ko. Lahat ng pabor para sa kanya ay ibinigay ko tapos ito pa ang isusukli nya sa akin? Wow ha, ito yata ang reward ko... magkasamang luha at sipon. waaah!!!!!
Sabi ko sa kanya noon, "white lies ay pwede basta sa ikabubuti ng nakararami." May mga usapin kasing di dapat pang malaman ng ibang tao para na rin sa kapakanan ng lahat. Pero, siguro talagang ganun ang ugali nya.. Natutuwa syang may mga nasasaktan syang tao kaya nya ito ginagawa.
Shit! Ang tigas kasi ng ulo ko.. Ang tanda-tanda na pero hanggang ngayon boba pa rin. Di pa rin natututo kaya panay pa rin ang paagrabyado sa mga taong kupal na nakapaligid sa akin. Ang dapat siguro sa akin ay iumpog sa pader.
Tama nga ang sinabi ng isang kaibigan ko dati.. "Huwag kang magtiwala sa isang tao kahit matagal mo na syang kakilala lalo't may pagdududa ka sa pagkatao nya. Tandaan mo, ang unang pagkatiwalaan mo lang ay ang sarili mo dahil ikaw lang ang nakakaalam ng tunay na itinatakbo ng utak mo, pangalawa ay ang pamilya mo dahil sila lamang ang tutulong sayo pag nasa oras ka na ngkagipitan..."
Mahirap magtanim ng galit sa mahabang panahon pero siguro matatagalan bago maghilom ang sugat na nilikha nya sa dibdib ko. Basta ang mahalaga may aral sa buhay na akong natutunan ngayon...